top of page
Search
  • BULGAR

PULSE, TUSTADO SA BOLTAHE NG BOLTS


IPINAKITA ng Meralco Bolts ang kanilang tikas sa second half upang sikwatin ang 101-95 panalo laban sa Phoenix Fuel Masters kagabi sa Araneta Coliseum. Balikatan ang Phoenix at Meralco sa unang dalawang periods, kung saan lamang ng isang puntos ang Fuel Masters, 47-46 sa halftime. Biglang lumakas ang boltahe ng Bolts sa third canto, inilista ang 34-25 upang agawin ang bentahe, 80-72 papasok ng fourth quarter.

Samantala, nais ng Blackwater Elite na masolo ang top spot ng team standings pagharap nila sa nagkuku­mahog na NLEX Road Warriors. Kasalo ng Elite ang NorthPort Ba­tang Pier kapit ang tig 4-1 records, magsisi­mula ang ba­ngayan nila ng Road Warriors sa 4:30 ng hapon sa Ynares Center, Antipolo City. Wala pang panalo ang Road Warriors sa apat na salang pero, para kay Blackwater head coach Aris Dimaunahan ay itotodo nila ang lahat ng lakas upang masiguro ang pagsilo ng panalo. “NLEX, napakalakas na team ‘yan lalo na at si coach Yeng (Guiao) ang nag­titimon, isang napaka­galing na coach,” ani Dimaunahan.

‘Yung zero wins nila, hindi ibig sabihin nu’n na hindi nila kayang manalo. On any given day... they could beat anybody.” Muling sasandalan ng Elite sina import Prince Ibeh at locals Jonathan Grey, Garvo Lanete at rookie Robert Bolick. Kumayod si Ibeh ng 18 points at 11 rebounds sa panalo ng Blackwater sa San Miguel Beer, 121-88 noong Miyer­kules sa Araneta Coliseum, habang tumikada sina Bolick, Lanete at Grey ng tig-25, 16, 16, ayon sa pagkakahilera. Magtatapat sa pangalawang laro ang TNT KaTropa at Beermen sa ika-6:45 ng gabi. (ATD)

Mga laro ngayon: (Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m. - NLEX vs Blackwater

6:45 p.m. - TNT vs San Miguel Beer

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page