top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Problemado sa misis na OFW | 5 yrs. old ginulpi ni daddy, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2019
1 min read

DEDO ang 5-taong gulang na lalaki matapos umanong bugbugin ng kanyang ama sa Davao del Norte.

Ayon sa pulisya, nagalit umano ang 32-anyos na suspek na ama makaraang matapon ng biktima ang pinaglaruang bigas.

Una umano nitong pinalo ang nakatatandang kapatid ng biktima saka pinagbuntunan ng galit ang biktima nang sabihin ng kapatid nitong siya ang may kasalanan.

Pinapasok ng ama ang bata sa kuwarto at doon umano pinagpapalo, pinagsisipa at pinagsusuntok hanggang sa mamatay.

Inilibing agad ang bata, dalawang araw matapos ang krimen.

Nakakulong na ngayon ang suspek na aniya’y nadala lang siya sa kanyang problema sa asawa na nasa abroad. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page