top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Panawagan sa mga guro, huwag idaan sa social media ang pagbibigay ng mga gawain sa eskuwelahan

  • Ryan B. Sison
  • Jun 8, 2019
  • 1 min read

DAHIL sa makabagong henerasyon mas lalong umuusbong ang pakinabang natin sa teknolohiya sa pamamagitan ng social media dahil halos lahat, magagawa at makikita na natin dito.

Kung saan maging sa pag-aaral ay konektado na rin ito dahil may mga senaryo kung saan ang mga guro at mag-aaral ay nag-uusap-usap sa pamamagitan ng group chat na ginagamit umano para magbigay ng assignments at projects.

Gayunman, labis naman itong ikinabahala ng ilang magulang dahil anila, may pagkakataong pinatitigil nila ang kanilang mga anak sa pagso-social media ngunit, ikinakatwiran ng mga ito na roon daw nila tinitingnan ang chat ng kanilang guro tungkol sa assignments at projects na dapat nilang gawin.

Dahil sa reklamong ito, maglalabas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng memorandun circular para itigil ng mga eskuwelahan, partikular ng mga guro ang paggamit ng social media sa pagbibigay ng mga takdang aralin dahil maaari itong magdulot ng masamang epekto sa mga estudyante kung makakasanayan nila ito sa mahabang panahon, lalo na kung nasa elementarya pa lang.

Samantala, ang payo ng opisyal ng DICT, kung may ipaaalam na impormasyon online, dapat sa tamang platform na lang ito i-send tulad ng email at hindi sa social media o group chat.

Dagdag pa rito, mainam kung makukuha rin ang opinyon ng ilan pang mga magulang sa buong bansa nang sa gayun ay mapag-aralan itong mabuti bago maisapinal at magkaroon ng kongkretong desisyon.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page