Nanlabang tulak, todas
Pabs Hernandez III
Jun 8, 2019
1 min read
BATANGAS—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Maligaya, Rosario sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Nicky Corachea, nakatira sa naturang bayan. Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Corachea, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments