MAGHIHIGPIT SA SALARY CAP NG PLAYERS ANG MPBL CUP

NAGLABAS ng mahigpit na implementing cap ang Maharlika Pilipinas Basketball League Commissioner’s Office upang makontrol ang napakataas na suweldo ng mga players.
Bawat player ay dapat makatanggap ng minimum na P15,000 at hindi dapat lumampas ang monthly allowance na P50,000, ayon kay league commissioner Kenneth Duremdes.
“Yun ang nasa guidelines natin. We’re basing it that way because we’re still an amateur league,” paalala ni Duremdes sa team owners/managers sa kanilang meeting sa Century Hotel sa Manila.
Ibig sabihin, dapat tumupad ang teams sa guidelines dahil kapag lumabag ay bibigyan ng stiff sanction ng liga.
“If a team is complaining that another team is giving a certain player more than the maximum allowance required, kailangan namin ng black and white proof na ‘yung player na ito is receiving ‘yung certain amount na pinirmahan niya,” dagdag ni Duremdes.
Ipatutupad din ng liga ang ‘strict measures’ sa players na lilipat sa ibang team. Sa susunod na third season, ang players na may expired contract ay dapat kumuha ng release paper mula sa mother team bago lumipat sa ibang squad. “Iniiwasan natin dito ‘yung sulutan,” ayon kay Senator Manny Pacquiao, founder at chief executive officer ng MPBL.
Ang implementasyon ng salary cap, ayon kay Duremdes, ang magbibigay sa bawat team ng parehong tsansa na makakuha ng best players habang minamantina ang status ng liga bilang amateur.





Comments