top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kung maaaring mag-enroll ng Grade 1 kahit hindi nag-aral ng Kindergarten

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Likas na matalino at bibo ang aking anak at nais ko sana siyang ihabol na i-enroll agad sa Grade 1 ngayong pasukan. Maaari ba ito kahit unang beses pa lamang siyang mag-aaral? — Katrina

Dear Katrina, Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 4 ng Republic Act No. 10157 o mas kilala bilang “Kindergarten Educational Act,” na:

“Section 4. Institutionalization of Kindergarten Education. - Kindergarten education is hereby institutionalized as part of basic education and for school year 2011-2012 shall be implemented partially, and thereafter, it shall be made mandatory and compulsory for entrance to Grade 1.” (Binigyang-diin)

Ibig sabihin, bago pumasok sa Grade 1 ang mag-aaral, kinakailangan na siya ay dumaan muna sa kindergarten education dahil isinama na ito bilang parte ng basic education ng mag-aaral.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page