top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

GAZZ AT ARMY, SINO ANG MAS MALAKAS SA PVL?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2019
1 min read

TATANGKAING walisin ang unang round ng eliminasyon ng PetroGazz sa pagsagupa nito sa Pacific Town Army ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Magtatapat ang Angels at ang Lady Troopers sa unang laban ngayong 2 p.m. bago ang sagupaan ng defending champion Creamline at ng Motolite ng 4 p.m.

Gaya ng mga nauna nilang panalo, sasandigan ng Angels sina imports Wilma Salas ng Cuba at ang Amerikanang si Janisa Johnson upang pamu­nuan ang koponan sa tang­kang makamit ang ikalimang sunod nilang tagumpay para sa perpektong pagsulong sa second round na kanila nang pinaghahandaan.

“The more na nananalo, the more rin na hindi dapat maging complacent kasi iyong mga kalaban ay lalong magpe-prepare ‘yan lalo sa second round,” wika ni PetroGazz head coach Arnold Laniog. “Hopefully, may maihanda kaming gameplan going to the second round kasi siyempre ‘yung kalaban binabasa kami.”

Nakaluklok sa ikalawang posisyon, kasalo ng Cool Smashers sa barahang 2-1, magtatangka ang Army na pigilin ang tangkang sweep ng first round ng PetroGazz sa pamumuno nina Thai imports Sutadta Chuewulin at Kannika Tipachot.

Sa tampok na laro, pu­pun­­tiryahin ng Creamline sa pamununo nina imports Kuttika Kaewpin ng Thailand at Venezuelan Aleoscar Blanco katuwang ang mga local aces na sina Alyssa Valdez at Michele Gumabao ang ikatlo nilang panalo kontra sa winless pa ring Motolite. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page