Balik-eskuwela, balik-tag-ulan na rin, ingat!
- BULGAR

- Jun 8, 2019
- 1 min read

HINDI pa man opisyal na rainy season, nakararanas na ng pag-ulan ang bansa.
Dahil sa palitang pag-init at pag-ulan, hindi maiwasang magkasakit ng ilan.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sakit na maaaring makuha tuwing tag-ulan.
Batay sa abiso ng ahensiya, kabilang sa mga sakit na nauuso tuwing tag-ulan ay typhoid fever, cholera, leptospirosis, malaria at dengue.
Dapat maging mapagmatiyag sa sintomas ng mga nabanggit na sakit at kung nakararanas ng ilang sintomas, agad pumunta sa doktor para magpa-check-up.
Una nang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magsisimula na sa susunod na linggo ang tag-ulan.
Dahil balik-eskuwela na, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga magulang na pagsuotin ng bota ang mga bata kung papunta sa paaralan at pauwi sa bahay.
Gayundin, siguraduhing may takip at malinis ang mga nakaimbak na tubig upang hindi ito pamahayan ng mga lamok.
Bago tuluyang pumasok ang tag-ulan, simulan nang maglinis sa bahay at paligid upang sakit ay maiwasan.





Comments