2 katao dedbol sa pick-up
- Pabs Hernandez III
- Jun 8, 2019
- 1 min read
KIDAPAWAN CITY—Dalawa katao ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pick-up ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Mateo sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga biktima na sina Nilo Catihan at Lady Ombaoy, kapwa nakatira sa Bgy. Ganatan, Arakan, North Cotabato.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng pick-up na minamaneho ni Teofilo Sago kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival, samantalang, nakapiit na si Sago na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide.





Comments