top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

11 menor-de-edad ibinubugaw | 2 RESORTS NA GINAGAWANG SEX DEN, BUKING

Madel Moratillo
Jun 8, 2019
1 min read

ARESTADO ang dalawang hinihinalang bugaw habang nasa 16 na kababaihan, kabilang ang 11 menor-de-edad ang nasagip sa entrapment operation sa dalawang resorts/prostitution dens umano sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Antipolo City Police, kinilala ang mga suspek na sina Amelita Mica Francisco, 18, ng Bgy. Pansol, Quezon City at Rich Charlie Tugade Ada, 22, ng Santolan, Pasig City.

Nabatid na alas-9:30 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng Women’s Children and Protection Center-Luzon Field Unit (LFU), Antipolo City Police Station, Destiny Rescue Philippines at Social Welfare Development, ang Angela 6&7 Resort at Rosalinda 7-A Resort sa Bgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Bago ang pagsalakay, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek na umano’y nagbubugaw ng mga kababaihan sa mga parukyanong naghahanap ng panandaliang-aliw.

Nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakasagip sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page