top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Usapin sa pagitan ng mga commissioner, talupan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2019
2 min read

KASABAY ng isyu ng maaanghang na pananalita ni Erwin Tulfo laban kay DSWD Sec. Rolando Bautista, kamakailan ay umiiral din ng matinding batikos ang pagdesisyon ng limang commissioners ng Comelec na tanggapin si Ronald Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth Partylist. Tila walang makaintindi sa desisyon ng lima dahil tanging si Commissioner Rowena Guanzon lang ang tumutol habang isang commissioner naman ang hindi bumoto. Simple lang ang dahilan ng pagtutol ni Guanzon, alinsunod lamang sa batas.

Malinaw ang nakasaad sa batas na ang edad ng kinatawan ng kabataan ay hindi bababa sa 25 at hindi hihigit sa 30, si Cardema ay 33 years old. Paglabag din ang pagbigay ni Cardema ng kanyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) noong Linggo (May 12) bago ang araw ng eleksiyon (May 13) na kung iisipin, ang araw na ito ay walang opisyal na trabaho ng ahensiya, bawal din ‘yun dahil malinaw na nakasaad sa batas ang dalawang paglabag na ito. Kailangan lang natin itong basahing mabuti kaya ang masasabi natin sa limang commissioners na inaprubahan ang pagpalit ni Cardema, mukhang hindi sila maru­nong magbilang at tila hindi rin sila marunong umintindi ng batas. Marahil, may iba siguro silang alam na batas o dahilan kaya inaprubahan nila si Cardema.

◘◘◘

Ayon sa Department of Justice (DOJ), inutusan na raw sila ng Palasyo na tumulong sa pagbawi ng P60 milyong ibinayad ng Department of Tourism (DOT) sa Bitag Media na pag-aari ng kapatid ni dating DOT Sec. Wanda Teo. Ang nais umano ng Palasyo ay hindi lang ipatupad ang batas kundi labis na masundan. Sinita ng Commission on Audit of the Philippines (COA) ang nasabing pagbayad para sa serbisyo ng Bitag Media.

Sa ngayon, wala pang kilos ang Office of the Ombudsman sa isyung ito. Matagal na ang lumipas nang magbitiw si Teo sa kanyang tungkulin. Alam din natin ang aroganteng pagsuway ni Ben Tulfo ng Bitag Media na ibalik ang nasabing halaga. Hindi kaya kampante rin sila sa magiging desisyon ng Ombudsman tulad ng pagiging kampante ni Cardema sa desisyon ng Comelec na “makapapasok siya bilang kongresista”?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page