Nahuling binabastos ang manugang, isusumbong sa barangay | MISIS PINAGBABARIL NG MISTER, TODAS
- Jeff Tumbado
- Jun 7, 2019
- 1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang 34-anyos na babae ng live-in partner nito sa T’Boli, South Cotabato araw ng Miyerkules.
Tinangka umanong magsumbong ng biktima na si alyas Gemma sa mga kinauukulan ang ginawang pangmomolestiya ng kanyang kinakasama sa manugang nito.
Lumalabas sa imbestigasyon na patungo sana ang biktima sa barangay hall ng Datal Bob, alas-9:00 ng gabi para umano magpa-blotter laban sa kanyang live-in partner na suspek na tinukoy lamang sa alyas Erwin kaugnay sa insidente ng pangmomolestiya sa menor-de-edad na manugang.
Gayunman, naabutan ang biktima ng kanyang kinakasama at nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa mauwi na sa pamamaril.
Tinutugis na ng pulisya ang suspek sa krimen.





Comments