top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | Hunyo 7, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 7, 2019 (Biyernes): Bilis, ang sandata ng iyong ka­pala­ran kung saan puwe­deng mapasaiyo ang anu­ang gugustuhin mo. Kaya, hindi ka dapat maging mabagal.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng harot, biro at saya ang kilos at pananalita mo. Ito ang pampasuwerte mo ngayon na nagsasa­bing, kapag masaya ka at may napasaya ka, ikaw ay tiyak na bubuwena­sin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-15-23-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat sob­rang matagal kung magpasya dahil maaaring magkakatotoo sa iyo ang sinasabing, aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-23-28-30-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Humi­ling ka na sa langit at ang hilingin mo ay ang pina­ka­­malaking kahilingan mo. Ma­kaaasa ka na pag­bibig­yan ka Niya kahit pa ang mga ito ay may pag­ka­im­posible. Masu­wer­teng kulay-violet. Tips sa lot­to-18-22-29-31-35-37.

CANCER (June 21- July 22) - Kumuha ka ng lakas ng loob sa mga nakaraang tagumpay mo. Sobra sa sapat ang mga ito para talunin ang nasa harapan mong hindi kala­ki­hang hamon ng kapala­ran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-17-28-33-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ded­mahin mo lang ang mga nani­nira sa iyo. Ing­git na inggit lang sila sa iyo, pero wala silang ma­ga­gawa para pabag­sakin ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­su­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-16-18-22-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit nag-a­alin­langan ka, gawin mo ang iyong mga plano. Dati ka ng nag-aalinlangan, pero natatapos mo nang ma­ayos ang mga gusto mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-11-15-20-29-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Walang ibang nakaaalam kung ano ang mabuti para sa iyo kundi ikaw lang. Akala ng iba ay alam nila. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-16-24-33-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ituloy mo lang ang gina­gawa mong pag­papaunlad sa sarili mo dahil nagpapatuloy ang ma­­ga­gandang araw para sa iyo kung saan malaki pa ang iuunlad ng buhay mo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-14-24-28-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo sa mga wa­­lang-wala ang iyong biyaya. Kapag may napasaya ang tao, ang la­ngit ay sumasaya rin at mas lalong pinagpa­pala ang nagpapasaya sa kanyang kapwa. Masu­wer­teng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-18-22-25-39-40-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Labanan mo ang iyong pagiging ma­hi­yain. Mas sinusuwerte ang nakikisalamuha sa kapwa. Bumubukas din para sa kanya ang pintuan patungo sa maraming ma­gagan­dang oportunidad. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lot­to-9-12-25-31-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumisi­lip sa iyo ang malalaking su­werte. Kapag nakita kang hindi abala sa pakikipag­kaibigan, mabilis silang mag­­­sisidapo sa iyo at ikaw ay ti­yak na mapupuno ng ka­galakan. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-4-17-20-24-30-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sarili mo ang iyong pasaya­hin dahil duma­rating sa buhay ang sandali na nalulungkot ang taong palaging pinasasaya ang kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page