Bukod sa Palasyo | MGA PURDOY, WELCOME SA SENADO

TINIYAK na magiging bukas ang Senado para sa mga mahihirap lalo na ang mga overseas Filipino worker (OFW).
Ayon kay Senator-elect Bong Go, hindi lang ang pagbalangkas ng mga batas ang aatupagin nito kundi maging ang serbisyo-publiko.
Matatandaang, paglapag ng eroplanong sinasakyan galing sa Japan noong Sabado, nagtungo ito sa Bgy. UP Campus sa Quezon City upang magbigay ng tulong sa mahigit 100 pamilya na nasunugan.
Bago naman tumulak patungong Japan, personal ding pinuntahan ang mga nasunugan sa Biñan, Laguna.
Matatandaang, nauna nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging bukas ang Malacañang sa mahihirap na ngayo’y puwede rin umanong mangyari sa Senado.





Comments