Bangkay ng bebot natagpuan
- Pabs Hernandez III
- Jun 7, 2019
- 1 min read
PANGASINAN—Isang bangkay ng babae ang natagpuang nakalutang, kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Tagac, Mangatarem sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Annalyn Canonisado, GRO sa bahay-aliwan sa Camiling, Tarlac.
Nabatid na ilang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima na may malaking sugat sa ulo na indikasyong pinukpok ito ng bato.
May hinala ang mga awtoridad na tinangkang gahasain ng mga suspek ang biktima, pero nanlaban ito kaya ito pinatay.





Comments