top of page
Pokwang.jpg

South Star Drug Store at The Generics Pharmacy, nilooban

Levi Gonzales
Jun 6, 2019
1 min read

TINATAYANG nasa mahigit P200,000 ari-arian, cash at mamahaling kagamitan ang natangay ng pitong suspek matapos nilang looban ang magkasunod na sangay ng botika sa Tiaong, Quezon.

Batay sa ulat, una nilang pinasok ang South Star Drug Store kung saan winasak nila ang kandado nito saka naghalughog hanggang sa tangayin ang cash at mga mamahaling gamit.

Isinunod naman ang The Generics Pharmacy na iisang estilo ang ginawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Warren Fernandez, 26; Joven Masong, 25; John Joseph Calipusan, 25; Jeffrey Yanong, 24; Noriel Nicanor, 22, at ang mga nakatakas na sina alyas Clark at Jepong, mga tubong Quezon City.

Nakilala ang mga ito base rin sa kuha ng CCTV footages sa lugar at sila rin umano ang mga magnanakaw na dumarayo pa sa Quezon Province upang makapanloob. Nasa kustodiya na ang limang naarestong suspek habang pinaghahanap pa ang dalawang kasamahan nila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page