Proud na proud sa BF… KATHRYN, TINAWAG NA 'MY LOVE' SI DANIEL SA HARAP NG MADLANG PIPOL
- BULGAR

- Jun 6, 2019
- 1 min read

TIPONG shocked boogie at nag-uumapaw ang katuwaan ni Kathryn Bernardo nang tanggapin niya ang trophy bilang Best Actress na ka-tie si Sarah Geronimo sa katatapos lang na 35th PMPC Star Awards for Movies.
Naipanalo ni Kathryn ang acting niya sa pelikulang The Hows of Us ng Star Cinema. Mahaba ang naging acceptance speech niya at ‘di niya nakalimutang banggitin ang boyfriend niya for 7 seven years na si Daniel Padilla.
“My Love” ang term of endearment ni Kathryn kay Daniel na nakaupo naman sa harapan ng stage at wagas ang pagkakatitig sa kanya, na puwedeng lagyan ng background music na may lyrics that goes…
“My love there’s only you in my life… the only thing that’s right… my first love… you’re every breath that I take… you’re every step I make…”
Ooohhh, devah, swak lalo na kay Kathryn dahil first love nga niya si DJ at seven years na ang relasyon nila, na ewan nga lang kung magiging endless love, boom pasok! Insert smiley, J!





Comments