top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Panawagan sa mga magulang at mag-aaral, maging wais sa pagpili ng paaralan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2019
  • 2 min read

ISA sa mga dapat pag-ingatan ng mga mag-aaral at kanilang magulang ay ang maloko mula sa pag-e-enroll sa tinatawag na ‘ghost trainings’ at ‘ghost scholars’ sa mga paaralan o insti­tusyon na hindi kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ilang buwan na ang nakararaan, mayroong naiulat si TESDA Director General Isidro La­peña na ganitong insidente sa Central Luzon at iba pang rehiyon sa ilalim ng mga Technical and Vo­ca­­tional Education and Training (TVET) Program.

Kaya naman, upang hindi maulit ang ga­nitong insidente, dapat maging mapagmatiyag ang lahat sa mga institusyong nag-aalok ng hindi lehitimong scholarship programs para lamang makakolekta ng iligal na bayarin at makalusot sa panuntunan ng CHED at TESDA.

Sa pagkakataong ito pumapasok ang kahalagahan ng tinatawag na school accredita­tion. Hindi natin ito gaanong napagtutuunan ng pansin ngunit, ano ba ang ibig sabihin at kabulu­han nito sa pag-aaral ng mga estudyante?

Ang school accreditation ay proseso upang masuri at maiangat ang sistema ng mga pribado at pampublikong kolehiyo at unibersidad sa pamamagitan ng kapasidad nito sa maayos na pasilidad at academic programs base sa paman­tayan ng CHED na dapat makamit upang mapanatili ang mataas na kalidad sa sistema ng edukasyon para sa kabataan.

Anumang paaralan ang umabot sa kuwalipi­kasyong hinahanap ay pagkakalooban ng accre­ditation status o karangalan na mapabilang sa listahan ng mga institusyong may mataas na ka­lidad ng pagtuturo at iba pang kapasidad.

Sa madaling salita, may kalidad, sapat at lehitimo ang educational programs na ibinibigay ng accredited schools sa mga estudyante nito.

Sa pag-e-enroll dito ay maiiwasan ang anu­mang panloloko o pananamantala mula sa mga pekeng programa at maling pamamalakad ng mga ins­titusyon.

Upang mapabilang ang paaralan sa accredi­tation, ilan sa requirements nito ay mayroong vision at mission, sapat na bilang ng mga estud­yante, nagkaroon ng tatlong batch o pataas ng mga nagsipagtapos at iba pa.

Ilan sa mga itinalagang pribadong accredi­ted schools ng CHED, sa pangangasiwa ng Fede­ration of Accrediting Agencies of the Philippines (FAAP) ay ang Philippine Accre­diting Association of Schools, Colleges and Universities (PAASCU), Philippine Associa­tion of Colleges and Uni­versities Commission on Accreditation (PA­CUCOA) at Association of Christian Schools, Colleges and Universities Accrediting Associa­tion, Inc. (ACSCU-AAI).

Habang sa pampublikong accredited schools naman ay ang Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP) at Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA).

Sa pamamagitan ng school accreditation, labis na napaaalalahanan ang mga tagapa­muno ng mga kolehiyo at unibersidad na lalong mag­si­kap at pagbutihin ang pagpapaunlad ng ka­nilang kurikulum at pamamalakad, lalung-lalo na ang kabuuang karanasan sa paaralan ng mga estudyante nito.

Para naman sa mga nagsasagawa ng mga baluktot na aktibidad para lamang makalamang sa mga mag-aaral, hindi ito maaaring magpa­tuloy.

Kaya hinihiling natin ang tulong ng mga lo­kal na pamahalaan na subaybayan ang ga­waing ito at unahin ang kapakanan ng mga mag-aaral.

Ating alalahanin na malaki ang impluwensi­yang naiiwan ng mapagkakatiwalaan at may de-kalidad na paaralan sa kinabukasan ng ka­bataan.

Kaya naman, lubos nating hinihikayat ang mga magulang na maging wais sa pagpili ng papasukang paaralan upang masulit ang edu­kasyon ng kabataan.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page