Nilasing, pinag-shabu, huli sa FB | SPECIAL CHILD NI-RAPE NG 3
- Mylene Alfonso
- Jun 6, 2019
- 2 min read

PINASAKAN ng bote ng ketchup at pinilit na magdroga ng tatlong adik ang isang 17-anyos na Special Education student (SPED) bago at pagkatapos pagsamantalahan noong Sabado ng gabi sa Tondo, Manila.
Naaresto naman ang dalawa sa tatlong suspek matapos makilala ni alyas Precy sa Facebook ang isa sa mga suspek.
Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Station 1 na pinamumunuan ni P/LCol. Reynaldo Magdaluyo ang mga suspek na sina Manuel Saylo, 19, at Cesar Gabino, 30.
Tinutugis na ang isa pa nilang kasabwat na si Danny Pelayo, 25. Batay sa imbestigasyon, alas-11:00 ng gabi ng Hunyo 1 nang isagawa ng mga suspek ang panggagahasa sa biktima sa Tondo.
Nauna rito, bumili umano ang biktima kasama ang pinsan nito sa isang sari-sari store nang lapitan umano sila ni Saylo at sinabihang, ‘balik kayo, ha’.
Hindi naman umano pinansin ng magpinsan ang lalaki at umuwi na. Lingid sa kaalaman ng pinsan ng biktima ay sinundan na pala ng suspek si ‘Precy’ at isinama saka isinagawa ang panghahalay.
Agad namang nag-report sa pulisya ang ina ni ‘Precy’ nang malamang nawawala ang biktima subalit, habang naghahanap ay nakita nila ang biktima na pauwi na ng bahay na tila pagod at tulala. Sinabi nito sa ina na galing siya sa bahay ng kanyang kaklase.
Natuklasan lamang nila ang nangyari sa biktima nang magbukas ng Facebook account ang hipag niya at eksaktong lumabas ang mukha ni Saylo. Sa puntong ito nagkuwento na ang biktima ng mga kababuyang ginawa sa kanya ng mga suspek at sinabing tinakot siya ng mga ito na papatayin kapag hindi sumunod sa gusto nila.
Ayon pa sa biktima, sinundan siya at dinala sa isang bahay at doon pinagsamantalahan. Sa presinto, itinanggi naman ng mga suspek na ginahasa nila ang biktima at sinabing hinipuan lamang nila ito dala ng kanilang kalasingan.
Itinuro rin ng mga suspek si Pelayo na siyang ‘gumalaw’ sa biktima at matapos gahasain ay pinasukan pa umano nito ng bote ng ketchup ang kaselanan ng dalagita. Ayon kay Magdaluyo, lumabas sa pagsusuri na positibong ginahasa ang biktima.
Nahaharap na sa kasong rape in relation to child abuse ang mga suspek at pinag-aaralan na rin ang paghahain sa kanila ng kasong may kinalaman sa paggamit ng iligal na droga.





Comments