Motor sumalpok sa puno, rider dedbol

PATAY ang isang rider matapos bumangga sa puno ang sinasakyang motorsiklo sa Bgy. Parang, Marikina City, kamakalawa.
Naisugod pa sa Saint Vincent Hospital si Lloyd Somido, 19, tricycle driver, residente ng naturang lugar, ngunit, idineklara rin itong patay.
Sa ulat ng Marikina City Police, alas-4:30 ng madaling-araw, sakay ng Suzuki motorcycle ang biktima at binabagtas ang BG Molina Street, Bgy. Parang nang pagsapit sa kanto ng Paraiso Street ay bigla na lang umano itong mawalan ng kontrol sa manibela sanhi upang tuluyan itong bumangga sa puno sa gilid ng kalsada.
Dahil sa tindi ng impact ng pagkakabangga ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang kamatayan.





Comments