top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Menor-de-edad na gustong magtayo ng negosyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 6, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Ako ay 17 years old at nagpaplano akong kumuha ng kursong may kinalaman sa negosyo. Kasabay nito, nais ko rin magtayo ng sarili kong negosyo. Ano ang mga dapat kong gawin? — Macoy

Dear Macoy,

Para sa iyong kaalaman, sa iyong edad, ikaw ay itinuturing na menor-de-edad pa lamang. Sa ilalim ng ating batas, ang menor-de-edad ay hindi maaaring makapasok sa mga legal na transaksiyon sapagkat wala pa silang kapasidad na sumang-ayon sa mga kontrata.

Ito ay ayon sa Article 1327 ng New Civil Code of the Philippines na nagsasaad na:

Art. 1327. The following cannot give consent to a contract:

  1. Unemancipated minors;

  2. Insane or demented persons and deaf-mutes who do not know how to write. (Binigyang diin)

Tanging ang mga taong emancipated lamang ang siyang kuwalipikado sa lahat ng akto ng sibil na buhay, kasama na rito ang pagpasok sa mga kontrata at ang emancipation ay nangyayari lamang sa pag-abot sa edad na labingwalo (18) o ang tinatawag na age of majority.

Ito ay sang-ayon sa Article 234 ng Family Code of the Philippines na nagsasaad na:

Art. 234. Emancipation takes place by the attainment of majority. Unless otherwise provided, majority commences at the age of eighteen years.

Samakatwid, kinakailangan mo ang iyong mga magulang o kung wala sila, ang iyong legal na tagapangalaga upang asistehan ka sa iyong plano na magtayo ng negosyo.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page