HOROSCOPE | Hunyo 6, 2019 (Huwebes)
- BULGAR

- Jun 6, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 6, 2019 (Huwebes): Masuwerte ka! Dahil dito, marami ang gagamit sa iyo para suwertehin sila. Ang payo para sa iyo ay unahin mo ang iyong sarili bago ang ibang tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makipaglaro sa leon dahil ang nakikipaglaro sa panganib ay kadalasang nagsisisi sa huli. Kung makikipaglaro ka, tiyakin mo na hindi ikaw ang dehado. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-36-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanap ka ng taong magpapasaya sa iyo. Higit kailanman, kailangan mo ang saya. Ang lungkot ay makikitang mamumuo sa iyong damdamin at ito ay hindi makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-14-21-25-33.
GEMINI (May 21- June 20) - Kung ayaw sa iyo, hayaan mo na. Hindi nila alam na ang kanilang inayawan ay ang suwerte nila na walang iba kundi ikaw, kaya sila ay aani ng masaklap at nakahihiyang kamalasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-17-20-24-32.
CANCER (June 21- July 22) - Lalapit sa iyo ang nakahahawang mga tao, wala silang sakit, pero ang nakahahawa sa kanila ay ang pangit nilang kapalaran, kaya umiwas ka kaagad nang sa gayun ay hindi pumangit ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-29-30-32-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahihilig ka sa pagkain, ito ay dahil muling nagbalik ang iyong sigla at magbabalikan din ang araw kung kailan mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwang nilalang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-24-33-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bigyan mo ng espasyo ang nasasakal at gustong lumaya. Sa ganito, ang mga proyekto ay mabilis mong maisasagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-11-14-20-21.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makibahagi ka sa karamihan. Ito ang susi para hindi ka siraan ng mga walang magawa. Siraan ka man nila, makaaasa ka na ang karamihan ay ang iyong masisigasig na tagapagtanggol. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-19-28-30-33-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang gawin mo. Ang anumang kalabisan ay nagbababala sa paghina ng katawan at kalusugan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-17-21-28-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong harapin ang taong sobra kung makakontra sa iyo. Mas magandang hayaan mo lang muna siya at makikita mo sa huli, siya ay iyong magiging kaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-22-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahinga ang iyong kailangan, sa katawan at isipan. Mas magandang mamasyal ka sa lugar na nakaaaliw at may magandang tanawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-19-26-38-39-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Harapin mo ang iyong mga kalaban, ikaw ang mananalo at sila ay magmumukhang kaawa-awa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-27-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nahihirapan ka ba? Oo, dahil kailangan mong mahirapan muna bago magsidapo sa iyo ang nakagugulat at mahirap paniwalaang naglalakihang mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-25-29-33-34.




Comments