CIGNAL-ATENEO AT CEU, MANGWAWALIS NG SERYE?


TATANGKAIN ng Cignal-Ateneo na mawalis ang series nila ng Valencia City Bukidnon-SSCR sa Game 2 ng 2019 PBA D-League Semifinals ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.Ito’y matapos dominahin ng Blue Eagles, 105-67 noong Game 1 ang Golden Harvest noong Lunes. Ngunit sa kabila ng nasabing dominasyon sa unang laban, naniniwala ang reigning UAAP champion na hindi magiging madali para sa kanila na makamit ang tagumpay.
“We’re not expecting an easy game. The final score doesn’t show the fight our opponents have and the fight they have left. We’ll prepare for them and they deserve the best cause they’re a good team,” pahayag ni Blue Eagles deputy coach Sandy Arespacochaga sa nakatakda nilang muling paghaharap ng Golden Harvest ng 2 p.m.
Muling inaasahang mamumuno sa Cignal-Ateneo sina Ivorian slotman Angelo Kouame kasama ng mga seniors na sina Thirdy Ravena at ang kambal na sina Matt at Mike Nieto.
Sa kampo naman ng Valencia-SSCR, kinakailangang mag-step up ng iba pang miyembro ng koponan para suportahan sina Allyn Bulanadi at RK Ilagan na silang lumaban ng husto noong Game 1.
Sa tampok na laban, itutuloy ng tinaguriang 7-man strong Centro Escolar University team ang kanilang Cinderella run sa tangkang pagwalis sa St. Clare College-Virtual Reality ngayong 4 p.m.
Inamin ni Scorpions coach Derrick Pumaren na pagod na ang kanyang team kung kaya nais na nilang matapos ang laban. “Sana matapos na. It’s been a torture for us,” ani Pumaren na tinutukoy ang nalabi niyang mga manlalaro pagkaraang mawala ang pito dahil sa pagkakasangkot sa game fixing. “We have to maintain the competitiveness in ourselves, the heart, and the fight every time when we step there. We just got to come out and play the game.”
Magandang balita para sa Scorpions ang inaasahang panunumbalik ng dating lakas ni Maodo Malick Diouf dahil tapos na ang pag-aayuno nito kahapon sa pagtatapos ng Ramadan. (VA)





Comments