top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Beybi sapol din | 3 NIRATRAT, UTAS

V. Reyes
Jun 6, 2019
1 min read

TODAS ang tatlo katao habang sugatan ang kasama nilang sanggol sa pananambang sa Sta. Rosa City, Laguna, kahapon ng umaga.

Batay sa paunang impormasyon mula sa Sta. Rosa City Police, patay sa ambush ang pinuno ng mga tanod ng Bgy. Pulong Santa Cruz sa lungsod ang kanyang biyenan at isa pang barangay tanod.

Nasugatan naman sa insidente ang 8-buwang gulang na anak ng lider ng mga barangay tanod. Sinasabing hinarang ng van at motorsiklo ang kotseng sinasakyan ng mga biktima sa Bgy. Dita saka pinagbabaril ang mga ito.

Nabatid mula kay Police Master Sgt. Jose Farol III na tinatayang apat na suspek ang nagsagawa ng pananambang sa mga biktima. Patuloy nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo at utak sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page