top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BALWARTE AT PAMILYAR NA RUTA BENTAHE NG PINOY CYCLIST SA SEAG

Clyde Mariano
Jun 6, 2019
1 min read

PAGIGING pamilyar sa ruta at hometown crowd ang dalawang mahalagang bagay na nagpalakas sa mga Pinoy upang dominahin ng cycling ang 2019 Southeast Asian Games at ayon kay coach Edz Hualda, gagamitin nilang advantage ito sa mga kalaban.

“Kabisado nila ang ruta at dito sila nag-eensayo sa kanilang paghahanda sa SEA Games. Alam nila kung saan sila aatake at bulagain ang mga kalaban. Secret iyan at hindi alam ng mga kalaban,” sabi ni Hualda sa eksklusibong panayam sa Philippine Sports Commission building.

Ang ruta, ayon kay Hualda ang parehong ruta kung saan gagawin ang pinal na eliminasyon sa buwan na ito ng Hunyo upang piliin ang cyclists na pepedal sa SEAG.

“Dito malalaman ang mga pangalan na sasabak sa SEA Games. Tiyak na magpapakamatay ang mga kalahok upang makasama sa national team na kakatawan sa bansa sa SEA Games,” wika ni Hualda, asawa ni tour veteran at dating national mainstay Ronnel Hualda.

Mahigit na 100 riders ang kalahok sa makasabog-bagang 130 kilometers road massed start na daraan sa mga bayan ng Cavite at Batangas na sasaksihan ni cycling president at POC chairman Rep. Abraham “Bambol” Tolentino. Mag-uumpisa ang pedalan sa Cavite Convention Center at magtatapos sa Palace in the Sky sa Tagaytay City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page