top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

AJ EDU, KASAMA NG GILAS PILIPINAS YOUTH SA U-19

  • Alvin Olivar
  • Jun 6, 2019
  • 1 min read

DUMATING na sa bansa kahapon si AJ Edu para sumama sa paghahanda ng Gilas Pilipinas Youth sa 2019 FIBA Under-19 Basketball World Cup. Ito ay kinumpirma ni national coach Sandy Arespacochaga.

Sa kanyang pagdating sa bansa ay makakasama na ang Fil-Nigerian sa koponan ng Gilas Pilipinas Youth na naghahanda sa World Cup na gaganapin sa Greece mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 7.

Bukod kay Arespacochaga ay sinalubong din si Edu nila Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio at Gilas Pilipinas Youth team manager Andrew Teh.

Inaasahang susunod na rin darating sa Pilipinas si Kai Sotto na sa kasalukuyan ay nasa Amerika pa rin para sa training. Siya ay naghahanda para maglaro ng propesyonal sa Europa.

Naglaro si Edu para sa Toledo Rockets, isang koponan sa NCAA Division 1 na naglalaro sa Mid-American Conference sa Amerika noong nakaraang taon. Inaasahang magiging malaking bagay si Edu sa koponan sa kanyang taas na 6-foot-10. Naglaro na noon si Edu para sa pambansang koponan sa FIBA 3x3 Under-18 World Cup 2017 at 2018 FIBA Under-18 Asian Championship.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page