Overcrowding ng sinehan
- BULGAR

- Jun 5, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Maaari bang magpapasok ng higit sa authorized capacity ang mga sinehan? Maraming salamat! — Benjo
Dear Benjo,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 8 (e) ng Republic Act (R.A.) No. 9514 kung saan nakasaad na:
“Section 8. Prohibited Acts. - The following are declared as prohibited act and omission.
◘◘◘
e) Overcrowding or admission of persons beyond the authorized capacity in movie houses, theaters, coliseums, auditoriums or other public assembly buildings, except in other assembly areas on the ground floor with open sides or open doors sufficient to provide safe exits;” (Binigyang-diin)
Samakatwid, malinaw na ipinagbabawal ng batas na magpapasok ang mga sinehan ng bilang ng mga taong hihigit sa kanilang kapasidad o authorized capacity ng kanilang gusali.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments