top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MANALO NG JACKPOT SA LOTTO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Marami kaming mga pagkakautang ngayon at san­damakmak din ang mga naniningil. Tanging pagtaya sa lotto ang inaasahan namin upang makaahon sa kahi­ra­pan ng buhay.

Sa ngayon ay nabubuhay pa rin kami sa utang upang mapag-aral ang aming tatlong anak. Kaya, sana, magbig­yan din ninyo ako ng masusuwerteng kulay, numero at petsa kung kailan dapat tumaya upang masapol ko ang jack­pot. October 9, 1976 ang birthday ko.

Umaasa,

Daisy ng San Eustacio, Aliaga, Nueva Ecija

Dear Daisy,

Ayon sa zodiac sign mong Libra, birth date na 9 at destiny number na 6 (10+9+1976=1995/ 19+95=114/ 11+4=15/ 1+5=6) ikaw ay tunay na mapalad tuwing sasapit ang mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes higit lalo kung ang nasabing mga araw ay natapat sa mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27. Sa panahong nabanggit, lalo na sa bu­wan ng Oktubre hanggang Disyembre, magsuot ka ng kulay pula, sa ganyang paraan, mas madali mong mahihigop ang suwerte at magandang kapalaran na may kaugnayan sa materyal na bagay.

Bukod sa nasabing mga petsa at araw sa itaas, ikaw din ay mapalad sa mga numerong may sumatutal na 5, 8 at 6 tulad ng 14, 23, 32, 41, 17, 26, 35, 44, 15, 24, 33, 42 at iba pang mga kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 5, 16, 28, 24, 34 at 41, gayundin ang 7, 19, 23, 27, 33 at 44.

Habang ang batong opal na ipinalamuti sa silver o kaya ay sa gintong singsing ay magsisilbing talisman na pantaboy sa kamalasan at panghigop ng magandang kapalaran.

Upang masigurado mo ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na ang kulay ng bubong at dingding ay pula at may teller o kahera na may mahabang buhok at sexy ang pangangatawan. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga bago matapos ang taon o kaya ay sa taong 2020, sa edad mong 43 hanggang 44 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page