top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalo na sa mga magti-thesis diyan... TIPID BUDGET TIPS PARA SA MGA COLLEGE STUDENT

Jersey Sanchez
Jun 5, 2019
2 min read

GAANO man kahaba ang bakasyon, sa esku­welahan pa rin ang tuloy. Shoutout sa college stu­dents diyan na mai-stress na ulit sa pagba-budget ng kanilang allowance. Rea­dy na ba kayo? Ha-ha-ha! Kung hindi pa, narito ang ilang tipid-tips na siguradong maka­tutulong sa inyo para maka-survive ngayong academic year:

1. REPEAT AND RECYCLE. Para sa mga nasa ko­lehiyo, wala nang pa­gandahan ng note­books dahil ang im­portante ay may ma­gamit kayo. Kung may mga pahina pa ang luma mong notebook, kunin ang mga ito at pagsama-samahin para makabuo ng bago. Gayun­din, hindi na uso ang bagong sapatos at bag kaya kung oks pa ang mga gamit mo noong nakaraang taon, i-repeat mo na lang!

2. PACKED MEALS. Malaking bahagi ng allow­ance ang napupunta sa pag­kain. Agree? Mga besh, kung gusto ninyong makatipid at makasigurong mabubusog, magbaon na lang kayo ng lunch o snack. Sa ganitong paraan, makatatanggi ka sa mga kaklase mong mahilig magyayang kumain sa labas dahil may baon ka na. Huwag mong isipin na ‘corny’ ang pagbabaon dahil malaki ang maitutulong nito sa pagtiti­pid mo. Okie?

3. WATER IS LIFE. Para sa iba, hassle ang pag­babaon ng tubig dahil ma­bigat ito. Pero, malaki ang ma­titipid ninyo sa pagbaba­on nito dahil hindi mo na ka­ilangang dumaan sa conve­nience store o cafeteria para bumili ng bottled drinks. Kung mauubos ang baon mo, puwede kang mag-refill sa drinking fountain sa in­yong campus. Mura at healthy na, hindi pa makadaragdag sa basura.

4. USE STUDENT DISCOUNTS. Ang pabo­rito ng lahat, siyempre, dis­counts! Sa panahon ngayon, dapat nating sulitin ang mga discount dahil kahit maliit na halaga ito, malaki ang ma­itutulong nito sa ating budget. Kaya mga besh, make sure na hindi ninyo makali­limutan ang famous line na ‘bayad po, estud­yante’, da­hil ‘ika nga nila, “the piso you will save will go a long way”.

5. BE PRAC­TIC­AL. Sa kolehiyo, maraming rea­dings at kung anu-ano pa. Minsan, nauubos ang inyong allowance sa pagpapa-photo­copy lang. Siguradong ma­katitipid ka sa pagbili ng second hand na libro mula sa mga na­unang batch sa iyo.

Ga­yundin, pu­wede ka­yong maghi­raman ng mga kaklase mo kung magkapit-bahay kayo o magkalapit ng dorm.

6. HAVE A PART TIME JOB. Puwede mo itong ga­win sa bahay mo. Paano? Kung may internet connec­tion kayo, puwede kang ma­ging virtual assistant o online tutor. Make sure lang na pa­sok ito sa schedule mo para hindi maabala ang pag-aaral mo. Okie?

Oh, mga bro at sis, hu­wag ninyong kalimutan ang tips na ito sa pagbalik ninyo sa eskuwela, ha?

Make sure rin na mai­babahagi ninyo ang mga ito sa mga kaibigan at kapa­milya ninyo. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page