top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Anak na 6, 8 at 14 sapol din | MAG-ASAWA NIRATRAT, TODAS

V. Reyes
Jun 5, 2019
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang mag-asawa sa Bgy. Payatas, Quezon City habang sugatan ang kanilang tatlong anak nang pasukin ng suspek ang kanilang bahay, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sina Jonathan Bernabe Manuel, 38, electrical technician at Jonalyn Breto Manuel 38, peanut butter vendor.

Nagpapagaling naman sa ospital ang mga anak ng mag-asawa na sina Nathaniel, 14; Dyle Gamaleil, 8, at Harold Keil, 6.

Batay sa paunang impormasyon mula kay Police Captain Juan Mortel, naganap ang pamamaril sa pamilya alas-8:30 ng gabi ng Hunyo 3, sa loob mismo ng kanilang bahay.

Sama-sama umanong nanonood ng telebisyon ang Pamilya Manuel nang pasukin ng hindi pa nakikilalang lalaki saka sila pinagbabaril.

Sinasabing nakasuot ng asul na helmet, asul na long sleeve shirt at pantalon ang suspek.

Nang masiguro ng gunman na todas ang kanilang target ay tumakas na ito habang isinugod naman ng mga kapitbahay ang tatlong bata sa nasabing ospital.

Isa sa mga motibo ng krimen na iniimbestigahan ng pulisya ay ang umano’y inggit sa minanang lupa ng mga biktima at ang maayos na kabuhayan ng mag-asawa.

Patuloy nang sinisiyasat ng Quezon City Police District ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page