Alamin mula kay Señor... MGA PANINIWALA TUNGKOL SA OPPOSITE ZODIAC SIGN

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Lorena ng Lorena_Cutebaby@facebook.com
Sa iyo Lorena,
Noong nakaraan ay tinalakay natin na kahit ang mga tinatawag na goddess ay sumusunod sa batas ng Astrolohiya tungkol sa pag-aasawa.
Balikan natin ang katotohanan na si Juno na para sa month of June ay nag-asawa at ang kanyang asawa ay si Jupiter.
Sa Astrolohiya, ang batas ng pagmamahalan ay ang opposite attrack. Ayon sa Astrolohiya, ang opposite zodiac sign ng Gemini para sa month of June ay ang zodiac sign na Sagittarius.
Muli, kung ang goddess ay ginagamit ang opposite attrack, gayahin natin sila dahil puwede rin natin itong gawin.
Narito, ang magkaka-opposite na zodiac sign na puwedeng gawing gabay tulad ng ginawa nina Juno at Jupiter:
Aries at Libra
Taurus at Scorpio
Gemini at Sagittarius
Cancer at Capricorn
Leo at Aquarius
Virgo at Pisces
Hindi nangangahulugang ito lamang ang batas sa Astrolohiya para sa pagmamahalan o pakikipagrelasyon, kumbaga, mayroon pang iba na epektibo ring i-apply sa love life.
Kaya lang ang opposite ang ating pinag-usapan ngayon dahil ang ating tinatalakay ay month of June na mapalad na buwan ng pagpapakasal.
Good luck and God bless!




Comments