Tinablan na ginagamit daw nila ang pera ng bayan, napikon… IPE, MINURA ANG MGA BUMABANAT SA KANILANG
- BULGAR

- Jun 4, 2019
- 3 min read

NILINAW ni Phillip Salvador ang dahilan ng pagpunta niya at iba pang artista sa Japan kasama si Presidente Rodrigo Duterte. May bumabatikos kasi sa kanila na ginamit ang pera ng bayan para makarating sa Japan.
“Ganito kasimple lang ‘yan, okey. Ah, kami, nagpunta roon voluntarily,” panimula ni Kuya Ipe, tawag sa kanya sa showbiz, nu’ng makausap namin sa backstage ng 35th PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Resorts World sa Parañaque City last Sunday.
“Pagdating sa mga OFWs, we support this administration kasi ginagawa naman talaga ‘yung tulong para sa mga OFWs. Tingnan mo ang ginawa ni Presidente ru’n. Puwedeng mag-loan ang mga OFWs dito sa Pilipinas sa pinakamababang interes. First time lang mangyayari ‘yan,” pahayag ni Kuya Ipe.
Ang announcement daw na ‘yan ni Pres. Duterte ay para sa mga OFWs around the world.
“So, nakikita mo ‘yung talagang pagmamahal niya sa mga Pilipino, sa mga OFWs lalo na. Eh, kami, kami nina Robin (Padilla), ano ba naman ‘yung papuntahin kami ru’n? Tinanong kami ng ‘Gusto ninyo bang sumama? Puwede ba kayong sumama? Suporta lang sa mga OFWs.’ ‘When is this?’ O, so, okay. Eh, ‘di umoo kami. Si Bayani (Agbayani), si Michael (Pangilinan),” sabi pa niya.
Sila-sila rin naman daw talaga ang sumuporta nu’ng campaign ng mga kandidato ni Pres. Duterte for senator last election. Bukod kina Robin at Bayani, nag-campaign din daw for the administration candidates ang magsyotang sina Dianne Medina at Rodjun Cruz pati na si Martin Escudero na nakasama rin sa Japan.
Hindi naman napigilan ni Kuya Ipe ang mapamura sa mga kalaban ng administrasyon.
“Now, sabihin mo na binayaran kami doon? Ni isang kusing, wala kaming bayad. Ni isang kusing, wala kaming bayad. Eto’ng mga pu**** inang naninira,” mariin niyang sabi, na naputol dahil may nagsabi sa kanya ng, “Relax.”
“Hindi, masakit sa akin, eh,” emosyonal niyang sagot. “Pinalalabas nila kami ng kung anu-ano, eh. Kung doon sila sa kabila, doon na lang sila sa kabila. Tumahimik na sila dahil talo na sila. Ganu’n lang ‘yun. That’s my statement.”
Muli niyang nilinaw na ‘di treat sa kanila ni Pres. Digong ang pagpunta nila sa Japan.
“Ay, hindi, hindi, hindi,” mabilis niyang tugon. “Nag-dinner kami sa Malacañang. Binigyan kami ng dinner sa Malacañang. Ano ang masama ru’n? Sabihin ninyo sa akin ano’ng masama ru’n? This is the first time na inimbita ang mga artista sa Malacañang para maka-dinner, makapanayam, makausap. Kasi, walang pinipili si Presidente. Walang pinipili si President. Si President, totoo. Sincere siya.”
Wala rin daw kinalaman si Kuya Ipe sa pagpili ng mga artistang inimbita sa Malacañang. Hindi rin daw niya alam kung si Pres. Duterte or ang partner nitong si Honeylet Avanceña ang namili ng mga iimbitahing artista.
“Basta ako, imbitado ru’n. Hahaha! And, walang masama ru’n. Siyempre, nilalagyan nila ng kulay. Eh, during that time, campaign period, eh. So, ngayon, ibinigay ko ang statement ko.
“Huwag namang bastusin ang mga artista. Ang mga artista, disenteng nagtatrabaho. Kaya kong bumili ng sarili kong tiket. Kaya kong kumuha ng sarili kong kuwarto, ganu’n lang ‘yun. Kaming lahat ng mga artista, lalo na si Robin Padilla.”
Tinanong din namin si Kuya Ipe kung kailan ulit siya gagawa ng pelikula.
“Hindi, papayat muna tayo nang konti. Medyo malusog tayo, eh. Tumaba ako sa kakakain ng sushi,” sabay tawa niya.
Pero darating din daw ang panahon na muli siyang aarte sa pelikula. And if ever, baka gumawa sila ng pelikula ni Robin.
Happy din si Kuya Ipe sa pagiging number three ng inendorso niya last election na si Senator-elect Bong Go.
“God is really good. It really paid-off. Nagsipag kami. Ikot kami ng Pilipinas. At talagang kapag nagsipag ka, nakikita ng Diyos, ibibigay naman sa ‘yo kung tama rin ang hangarin mo.”
Tumanggi naman siyang magbigay ng pahayag sa pagkakaroon ng isyu sa kanila ni Kris Aquino during the campaign.
“Huwag na nating pag-usapan ‘yun. Tapos na ‘yun,” ngiti niya.
At hindi na rin daw sila nagkapaliwanagan ni Kris sa namuong isyu sa kanila during the campaign.
Anyway, isa si Kuya Ipe sa binigyang parangal para sa 12 artistang kinilala bilang Natatanging Bituin ng Siglo sa 35th PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Resort’s World last Sunday. Mapapanood ang kabuuan ng Star Awards for Movies sa Sunday’s Best ng ABS-CBN on June 16, Sunday.





Comments