top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nanalong Best Actress, super-haba ng speech… KATHRYN, INILABAS LAHAT NG KABIGUAN SA CAREER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2019
  • 2 min read

HINDI man nominado o awardee si Robin Padilla sa ginanap na 35th Star Awards for Movies sa Newport Perfor­ming Arts Theater ng Resorts World, dumating naman siya at binigyan ng moral support ang kapwa niya Duterte supporter na si Phillip Salvador.

Isa si Phillip sa mga artistang gina­waran ng award bilang Natatanging Bituin ng Siglo (Outstanding Star of the Century). Kasama niyang pinarangalan sina Ramon Revilla, Sr., Eddie Garcia, Anita Linda, Gloria Romero, Susan Roces, Joseph Estrada, Vilma Santos, Nora Aunor, Christopher de Leon, Tirso Cruz III at Niño Muhlach.

Hindi nakadalo sina Joseph Es­tra­da, Susan Roces, Anita Linda, Nora Aunor at Vilma Santos.

Samantala, si Ogie Alcasid na nana­long Best Actor via the movie Kuya Wes ay sinamahan ng kanyang wife na si Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Teary-eyed si Alcasid nang tanggapin ang kanyang trophy bilang Best Actor. Ang karangalan ay inialay niya kay Re­gine at sa kanyang mga anak.

Malaki ang effort na ibinigay ni Ogie Da Pogi sa kanyang ginawang pagpo-produce ng Kuya Wes. Hindi lang sa aspetong pinansiyal, kundi kasama na rito ang pagod at puyat na ibinuhos niya sa pelikula.

Mixed emotions at kilometric ang speech ni Kathryn Bernardo nang tang­gapin ang Best Actress trophy via The Hows of Us. Tie sila ni Sarah Geronimo na hindi nakadalo sa awards night.

Inilabas ni Kathryn ang kanyang mga frustrations sa kanyang career nang feeling niya ay hindi nare-recognize ang effort na ibinibigay niya sa mga projects na kanyang ginagawa.

Pero, hindi siya sumuko at patuloy na tumanggap ng mga projects. Isa na rito ang The Hows of Us na super box office hit at hindi pa rin nalalagpasan ng iba ang kinita nito sa takilya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page