Mister ng titser, binaril sa classroom

PATAY sa pamamaril ang isang mister sa loob mismo ng silid-aralan sa paaralang pinagtuturuan ng kanyang asawang guro sa Bgy. Mabini, Ormoc City, kamakalawa.
Nakilala ang biktima na si Bienvinido Casimero, Jr., 42, miyembro ng Civil Security Unit ng naturang lungsod habang ang suspek naman ay natukoy na si Ronnie Pocson.
Batay sa ulat kay Police Major Joel Talagon, habang abala ang biktima kasama ang kanyang asawa na naglilinis sa loob ng silid-aralan para sa paghahanda ng pagbubukas-eskuwela nang mangyari ang pamamaril.
Agad tumakas si Pocson makaraang isagawa ang krimen.
Isa sa mga hinihinalang motibo sa pagpatay ay ang matagal ng alitan sa pagitan nina Casimero at Pocson base na rin sa naging salaysay ng asawa sa pulisya.
Lumalabas na ang biktima ay “asset” ng Ormoc City Police Office-Drug Enforcement Unit (DEU) habang ang suspek ay sinasabing tauhan ng confessed drug lord ng Eastern Visayas na si Rolando ‘Kerwin’ Espinosa, Jr.
Tinutugis na ng mga awtoridad si Pocson.





Comments