Lolo natagpuang patay sa palayan
- Pabs Hernandez III
- Jun 4, 2019
- 1 min read
PANGASINAN—Isang 71-anyos na lolo ang natagpuang patay, kamakalawa sa palayan sa Bgy. Cabaritan, Sison sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Ticiano Agustin, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa naturang palayan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang sanhi ng kamatayan ng biktima.





Comments