HOROSCOPE | Hunyo 4, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 4, 2019 (Martes): Napakalakas ng iyong damdamin. Ito ay nagsasabing, ang madikit sa iyo ay maaakit mo. Ang kakaibang katangian mong ito ay gamitin mo sa mabuting hangarin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isip ang paganahin mo at mananatili ka sa tuwid na landas ng iyong buhay. Kung emosyon ang iyong gagamitin, masasayang ang masusuwerteng araw mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-20-25-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapusin mo ang kailangang tapusin. Hindi puwedeng pabayaan mong nakabitin ang mahahalagang gawain. Labanan mo ang katamaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-24-29-30-35-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Babagal ang takbo ng iyong kapalaran dahil makikitang lumalapit ka mismo sa tukso. Dapat mong malaman na ang tukso ay sagabal sa pag-asenso mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-20-23-31-33.
CANCER (June 21- July 22) - Muling nagbalik ang araw na mapalad ka. Pasayahin mo ang mga malalapit sa buhay mo at kapag nagawa mo ito, magugulat ka at mamamangha dahil mas lalo ka pang papalarin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-19-20-29-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay ka lang. Hindi maganda ang pagkakaluto kapag ang apoy ay masyadong malakas. Ito ang gawin mong gabay sa iyong buhay hindi lang ngayon kundi magpakailanman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-27-30-36-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Wala kang problemang hindi mo kayang ayusin. Sobra sa sapat ang iyong angking talino at karanasan sa pagresolba sa mga problema. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-15-22-28-35-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aayusin ng langit ang mga hindi mo maayos sa iyong buhay. Ito ay para patunayan na ikaw ay espesyal sa mga mata ng langit. Magpasalamat ka sa nasa itaas, ito ang iyong obligasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-30-31-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Ito ang sikreto ng positibong kaisipan na nagsasabing, kung ano ang laman ng isip mo, tiyak na mararanasan mo ito sa reyalidad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-15-29-31-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumaba ka na, ibig sabihin, makihalubilo ka sa mga pangkaraniwan. Mula sa kanila, may matutuklasan kang lihim ng buhay kung saan ang kakaibang saya ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-24-25-34-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagmamadali ang mga suwerteng noon pa para sa iyo na kaya lang naantala ay dahil sobra kang negatibo. Ngayon, negatibo ka man o hindi, iyung-iyo na ang mga ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-21-27-34-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nananatili ang hangin sa iisang lugar. Ito ang lihim na dahilan kung bakit madali kang magsawa sa lahat ng bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-23-28-30-36-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pabalik-balik lang ang mga karanasan. Ngayon ay nakatakda kayong magkabalikan ng taong nagbigay ng sarap sa buhay na hindi mo pa rin makalimutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-19-21-26-34-41.




Comments