top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hamon sa Customs at PDEA | PAGPASOK NG P1.8-B DROGA, ‘WAG PAGTAKPAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2019
  • 2 min read

NAGBABALA kama­kailan si Senador Panfilo Lacson sa dalawang mataas na opisyal ng Bureau of Cus­toms (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na huwag pagtak­pan ang mahigit sa P1.8 bil­yong halaga ng shabu na ipinasubasta na binigyan ng clearance.

Ayon kay Lacson, chair­man ng Senate Committee on Public Order, lalo lamang madiriin sina Customs Com­missioner Rey Leonardo Guerrero at PDEA Dir. General Aaron Aquino sa anomalya kung ito ay kani­lang pagtatakpan.

Nauna nang inamin nina Guerrero at Aquino na sinad­yang ipinalusot nila ang na­sabing kontrabando sa pama­magitan ng pagsubasta nito para matunton umano ang tunay na may-ari nito. Hindi naman ito bumenta kay Lac­son kaya pinaplano nitong ipatawag ang dalawa sa pag­bubukas ng 18th Congress.

Sang-ayon naman ang isa pang mambabatas na tila may cover-up umanong nang­­yayari hinggil sa uma­lingasaw na anomalya sa droga na kinasasangkutan pa mismo ng PDEA at BOC.

Ayon sa mambabatas na taga-Luzon, na ayaw ng mag­­banggit ng pangalan, pinalaki ng Philippine Mili­tary Aca­demy Alumni Association Inc. (PMAAAI) noong Hu­webes ang pagmumura ng brodkaster na si Erwin Tulfo kay retired general at nga­yon ay DSWD Sec. Rolan­do Bautista para mapagtak­pan umano ang bilyong pi­song shabu smuggling laban kina Aquino at Guerrero.

Ayon sa naturang mam­babatas, kung tutuusin, ma­liit na isyu ‘yung pamba­bastos ni Tulfo kay Bautista dahil ayaw nitong magpa-inter­view pero, gumawa na rin ng public apology ang brod­kaster kaysa roon sa kina­sasangkutang anomalya ng dalawang retired generals.

Maging si dating PNP chief na ngayon ay Senador Ronald “Bato” dela Rosa ay nagbigay ng reaksiyon sa isyu at sinabing napakabait ni Bautista at walang kara­patan ang sinuman na bas­tusin ito.

Si Dela Rosa ay pro­dukto ng PMA Class 1986, si Guerrero ay PMA Class 1984 at kaklase niya sina dating PNP-NCRPO Dir. Joel Pagdilao at Police Dir. Bernardo Diaz, na kapwa kasama sa narco-general sa listahan ng Pangulong Du­terte. Si PDEA Dir. Aquino na­man ay produkto ng PMA Class 1985 at batchmate si Bautista.

Si BOC Commissioner Isidro Lapeña na nasibak noong nakaraang taon dahil nalusutan din ng droga na nakasilid sa magnetic lifters ay miyembro naman ng PMA Class 75. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page