Habang nasa training | SAF NALUNOD, DEDBOL
- Levi Gonzales
- Jun 4, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang miyembro ng Special Action Force (SAF) matapos malunod sa karagatang sakop ng Bgy. Baha, Calatagan, Batangas.
Alas-12:45 ng hatinggabi, bilang bahagi ng kanilang pagsasanay sa combat swimming, bumulusok sa karagatan ang biktimang si Pat. Manny Jose Baldonado, 27, ng Bgy. Rizal, Santiago City, Isabela.
Mabilis nilang sinaklolohan ang biktima at agad binigyan ng paunang lunas saka dinala sa ospital.
Gayunman, idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan.





Comments