Customs officials, gigisahin sa P1-B shabu, ano naman kaya ang palusot nila?! Hmmm...
- BULGAR

- Jun 4, 2019
- 2 min read
‘OPLAN TOKHANG’, NAGPANALO KAY "BATO" —Sa kasagsagan ng “Oplan Tokhang” noong si Senator-elect Ronald “Bato” dela Rosa pa ang chief PNP ay sa Metro Manila maraming na-”tokhang” at dahil nag-number 1 siya sa Kamaynilaan noong nakalipas na eleksiyon nang makakuha ng mahigit tatlong milyong boto, nangangahulugang suportado ng mayoryang taga-Metro Manila ang “Oplan Tokhang”.
Ibig sabihin, sa laki ng nakuhang boto ni Senator-elect Dela Rosa sa Metro Manila ay nangangahulugang ang nagpanalo sa kanya para maging senador ay ang kanyang “Oplan Tokhang”, boom!
◘◘◘
ANO ANG PANIBAGONG ‘PALUSOT’ NG BUREAU OF CUSTOMS OFFICIALS?—Gigisahin ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Senado sina BOC Commissioner Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero, Deputy Commissioner for Intelligence Group (IG) Ranier Ramiro at BOC Internal Administration Chief Donato San Juan dahil hindi katanggap-tanggap sa kanya ang palusot ng mga Bureau of Customs official na kaya raw nila ipinasubasta ang mga kargamentong may palamang P1 billion worth ng shabu na pag-aari ni blacklisted Chinese Zhijian Xu alyas Jacky Co ay para dakpin ang sinumang sasali sa subasta.
Kapag nagkagisahan na sa Senado, ano kaya ang panibagong palusot na gagawin ng mga BOC official sa isyung ito? Abangan!
◘◘◘
BABABA TALAGA ANG KRIMEN KASI ANG MGA KRIMINAL NADEDEDBOL NA—Bumaba raw ng 57% ang crime rate sa Metro Manila.
Talagang bababa, kasi ang mga nahuhuling kriminal ay hindi na ulit makagagawa ng krimen kasi nang-aagaw sila ng baril at nanlalaban kaya ang resulta, dedbol sila, boom!
◘◘◘
KAILAN IPATO-‘TOKHANG’ NI COL. QUILATES SI ‘GERRY MUSLIM’?—Tuloy pa rin daw ang raket na color games at drop balls ni “Gerry Muslim” sa Bgy. Tagbakin, Lipa City. Batangas.
Kailan kaya gagawa ng aksiyon si Batangas PNP director Col. Edwin Quilates para ipa-”tokhang” si “Gerry Muslim”? Abangan!





Comments