CEU SCORPIONS, INUNAHAN ANG VIRTUAL SA D-LEAGUE SEMIS


PATULOY ang Cinderella run ng 7-man Centro Escolar University team pagkaraan nilang ungusan ang St. Clare College Virtual Reality, 76-75, sa Game One ng kanilang 2019 PBA D-League semifinals series kahapon sa Paco Arena sa Manila.
Ibinuslo ni Rich Guinitaran ang game-winning lay-up may nalalabi na lamang 13.7 segundo sa laro at hinigpitan nila ang depensa sa endgame upang makopo ang panalo at makalapit sa inaasam na pag-usad sa kampeonato.
“You have to give it to the boys. Though were just playing with just seven guys, I told them when we step inside the court, it’s all about winning,” ani coach Derrick Pumaren. Tumapos si Guinitaran na may 18 puntos, 6 rebounds, at 2 assists kasunod ni center Maodo Malick Diouf na nagtala ng PBA D-League record para sa most rebounds matapos kumaldag ng 33 boards bukod pa sa 19 puntos, 8 blocks, 4 assists, at 4 steals sa loob ng 40 minuto.
Lamang pa ang St. Clare papasok sa huling minuto ng laro, 75-74 matapos uminit si Irven Palencia na nagposte ng walo sa huling 12 puntos ng Saints. “The boys hung tough and even though we still kept our poise,” ayon pa kay Pumaren. Tumapos si Palencia na may 18 puntos at 8 para sa St. Clare. (VA)
Mga laro sa Huwebes (Paco Arena, Manila)
2 p.m. - Cignal-Ateneo vs Valencia City Bukidnon SSCR
4 p.m. - St. Clare College Virtual Reality vs CEU





Comments