Vote-buying sa house speakership, buking sa text

PATULOY pa rin umano ang bilihan ng boto sa House of Representatives kung saan mainit ang laban kung sino ang susunod na Speaker of the House.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, may kumakalat na text message kung saan hinihimok ang bawat mambabatas na dumalo sa isang meeting at doon iaalok ang presyo kapalit ng kanilang boto.“We would like to invite you to a short meeting at JCPC, Penthouse, Ramon Mitra Building, House of Representatives on June 30, Monday anytime between 10 am to 5 pm. Your presence will be greatly appreciated. Kindly confirm if you can make it. Salamat,” nakasaad sa text message.
Nauna rito, may mga media report na nagsasabi na ang kampo umano ni Cong. Lord Velasco ang nag-aalok ng P1 milyon bawat boto ng mambabatas, mas doble sa halaga na inaalok umano ng kampo ni Rep. Martin Romualdez, kapwa naghahangad na maging Speaker.
Dagdag pa ng source, lantaran at harapan ang vote-buying na ginagawa sa mismong loob ng iginagalang na institusyon ng Kongreso.





Comments