Porke sikat na rin… YOUNG ACTRESS, LUMABAS NA ANG TUNAY NA KULAY, BAD INFLUENCE SA BF-KA-LOVE TEAM
- Erlida Rapadas
- Jun 3, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
MAY mga kumakalat na tsikang not in good terms daw ngayon ang isang magaling na young actress sa pamilya ng kanyang BF-ka-love team.
Dati-rati ay okey naman daw ang pakikitungo ng young actress sa partidos ng ka-love-team, pero nang tumagal-tagal na, eh, nagkaroon na raw ito ng attitude at pati ang BF niya ay kanyang naimpluwensiyahan. Kaya, marami na ring tao sa kanilang paligid ang dismayado na ngayon sa young actress.
Ang siste, mukhang super in love pa rin sa young actress ang kanyang BF-ka-love team. Napabalitang nag-break/nagkalabuan sila for a while, pero nagkabalikan din, kaya panay-panay na naman ang post ng kanilang mga sweet-sweet-an photos na kuha sa bakasyon nila abroad.
May nag-iisip naman na baka career move ng young actor na kapareha niya ang pakikipagbalikan para sa kanilang pelikulang gagawin at mga product endorsements.





Comments