top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pera-pera sa House Speakership, grabeng pambababoy sa Kamara!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2019
  • 2 min read

BINABOY ang Kamara ng mga representante.

Pera-pera na ang Speakership.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

NAG-UUNAHAN din ang mga kolokoy sa pagkuha ng endorso ni Mayor Sara.

Kumbaga, kung sino ang may matinding koneksiyon, siya ang magiging Speaker.

Huh, balewala na ba ang boto ng ordinaryong kongresista?

◘◘◘

DAPAT magsumikap ang mayorya ng kongresista na mabura ang maruming kalakaran ng salapi at palakasan.

Dapat iluklok nila ang may karanasan at kuwalipikasyon imbes sa isang basbas lang ng “mayor”!

◘◘◘

PINABABABA ng mga kongresista ang integridad ng Kamara.

Hindi na sila maituturing na kagalang-galang!

◘◘◘

NAKATAYA sa liderato ng Kamara ang huling mga taon ni P-Digong.

Kailangang maisulong ng magiging Speaker ang legislative agenda ng Malacañang.

Hindi puwedeng salapi at koneksiyon ang tangay lamang ng isang lider!

◘◘◘

NAKALULUNGKOT din isipin na nakakaladlakd ang pangalan ng business tycoon sa Speakership.

Sinasabing “back-up” ng business magnate ang pagtatangka ni Rep. Lord Allan Velasco na maging lider ng Kamara.

Dapat linawin ito ni Velasco at mismo ng CEO ng naturang korporasyon!

◘◘◘

ITINANGGI naman ni Velasco ang tsismis na suportado siya ni Ramon Ang, pero hindi mamamatay-matay ang isyu.

Kasi kinumpirma mismo ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na nag-aalok ng P1 milyon “ayuda” ang isang aspirante!

◘◘◘

Dapat bawiin ni Alvarez ang naunang pahayag sa media upang maibalik ang dignidad ng Kamara.

Dapat din linawin ni Mayor Sara na hindi siya nanghihimasok sa Kamara tulad sa ginawa niyang pagpapaupo kay ex-P-GMA at pagsibak kay Alvarez na inamin mismo ni P-Digong!

◘◘◘

DISMAYADO mismo si Alvarez sa nagaganap sa Kamara.

Kasi isa siyang loyalist ni P-Digong, pero nagawang traydurin!

◘◘◘

Paano makapoporma nang maayos si Velasco kung ang sinuportahan ay si Grace Poe noong 2016 Presidential Elections?

Sa huling senatorial race, si Poe rin ang no.1 sa Marinduque na kanyang lalawigan imbes na ang kaalyado ni P-Digong na si Cynthia Villar!

◘◘◘

MARAMI rin ang nagtatanong kung bakit biglang sumingit ang pangalan ni Velasco, gayung hindi naman ito popular sa bansa?

Ano ang ipinagmamalaki ni Velasco?

◘◘◘

MAKOKONTROL kaya ni Velasco ang antigong karanasan ng kapwa kongresista sa maseselang isyu?

Hindi kaya lumamon lang ito ng alikabok at mapahamak ang makabu­luhang agenda ng Malacañang?

◘◘◘

MAY tatlong aspirante sa pagka-Speaker na isinama si P-Digong sa Japan, kamakailan.

Sinasabing ang tatlong ito ang kanyang ‘manok’ sa Kamara.

Ipinauubaya na niya sa mga kongresista kung sino sa mga ito ang kanilang kursunada.

Ang mga kongresista ang bahalang pumili kung sino ang may sapat na kara­nasan at kakayahang gumawa ng batas pabor sa nakararaming mamamayan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page