Pagsuspinde ng lisensiya ng isang Registered Nutritionist-Dietician

Dear Chief Acosta,
Sinuspinde ng Board of Nutrition and Dietetics ang lisensiya ng pinsan ko dahil hindi raw siya nakapagbayad ng kanyang annual registration fee sa loob ng anim (6) na taon. Walang kinalaman ang naging trabaho ng pinsan ko sa kanyang pagiging Registered Nutritionist-Dietician (RND), ngunit, nais niyang magamit ang kanyang propesyon ngayon. Tama ba ang kanyang ginawa? — Ysabelle
Dear Ysabelle,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. (R.A.) No. 10862 o mas kilala sa tawag na Nutrition and Dietetics Law of 2016. Nakasaad sa Section 22 nito na:
“Section 22. Revocation or Suspension of the Certificate of Registration and Cancellation of Special/Temporary Permit. – The Board shall have the power, after due process, to revoke or suspend the certificate of registration or to cancel a special/temporary permit upon any of the following grounds:
◘◘◘
(e) Neglect or failure to pay the annual registration fees for five (5) consecutive years;”
Ayon sa nasabing batas, may kapangyarihan ang Board na magsuspinde ng certificate of registration o magkansela nito kung hindi nakapagbayad ang isang Registered Nutritionist-Dietician (RND) ng annual registration fee ng limang (5) magkakasunod na taon.
“Section 11. Powers, Functions, Duties and Responsibilities of the Board. The Board shall exercise executive, administrative, rule-making, ang quasi-judicial powers in carrying out the provisions of RA 10862. It shall be vested with the following specific powers, functions, duties and responsibilities:
◘◘◘
Licensure Functions:
(i) issue, suspend, revoke or reinstate the COR and Special/Temporary Permits for the practice of Nutrition and Dietetics.”
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments