NICOLAS, LOPENA, ESCOTON SA KOREA ATHLETICS

HABANG nakikipaglaban ang apat na Pinoy sa two legs Asian Grand Prix Athletics sa Chongquing province sa China, itataya nina Alyana Nicolas, Anfernee Lopena, Melissa Escoton at Jelly Dianne Paragile ang international credentials kontra sa mga bigating kalaban sa Korea Open Athletics na lalarga sa Hunyo 4 sa Gwangju City malapit sa Seoul.
Nakatakdang umalis patungong Korea sina Nicolas, Lopena, Escoton at Paragile na physically at mentally fit kaya determinadong manalo at kunin ang paggalang ng mga kalaban mula sa 13 imbitadong bansa na inorganisa ng Korea Athletic Association at may basbas ng Asian Athletics Association ni Gen. Dahlan Al Hamad ng Kuwait at isa si PATAFA president Philip E. Juico sa limang vice presidents.
“They are in fighting spirit and their morale is high. Hopefully, they would bring home honors,” sabi ni coach Emerson Obiena katuwang si coach Jeoffry Chua, nang tanungin ang tsansa ng mga Pinoy.
Lalaro si Nicolas sa pole vault, sina Lopena at Escoton sa 100m at si Paragile sa 100m hurdles sa limang araw na torneo kasama sa kanilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games na gagawin sa Nobyembre sa ‘Pinas.
Dahil malaki ang entry sa athletics sa SEAG, sinabi ni Juico na bibigyan niya ang mga athletes ng sapat na foreign exposures para mahasa at maging highly competitive at lumawak ang karanasan sa pakikipaglaban sa mga banyagang karibal.





Comments