top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Namimitas ng prutas, lumilipad at nakikipagbarilan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 3, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni May Flor ng May_Flor_Tacasa@facebook.com

Dear Professor,

Palagi akong namimitas ng prutas at gulay. Min­san, ay lumilipad daw ako habang nakikipaglaban at naki­kipagbarilan. Sa ganu’ng panaginip ay madalas akong bangungutin.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

May Flor

Sa iyo May Flor,

Alam mo, iha, ang buhay sa mundo ay pakikipagsa­pa­laran. Kaya ang mga walang ginagawa ay walang kabuhay-buhay. Ang mga nasa bahay lang ay ga­nun­din, lalung-lalo na ‘yung mga taong walang pangarap.

Noon, alam mo, sabi ng lola ko, bakit daw hindi ako makisali sa larong “piko?” Payat ako noon kaya ayo­kong makipaglaro. Sabi niya, sasaya raw ako at sisigla dahil sa larong piko, matsa-challenge ako.

Totoo pala ‘yung sinabi ng lola ko, kaya hindi lang piko ang aking nilalaro dahil nahilig din ako sa luksong-baka, ‘yun bang may nakayuko, tapos, tatakbo ‘yung isa at kailangang talunin niya ang nakayuko na hindi sasayad ang anumang bahagi ng kanyang katawan.

Noon, masarap pa ang makipagsapalaran sa mga simpleng pamamaraan tulad ng pamimitas ng bayabas sa kapitbahay.

Nakababagot ang buhay na walang challenge. Ito ang mensahe ng iyong panaginip at sa totoo lang, may isa pa kaming ipagtatapat sa iyo. Maaaring hindi mo paniwalaan, pero kung aanalisahin mo ang iyong bu­hay, sinasabing, kahit ayaw mong makipagsapalaran sa reyalidad ay makikitang nakikipagsapalaran ka sa panaginip.

Mayroon ka pang dapat malaman na mahalagang bagay, ito ay nagsasabing, lakasan mo ang iyong loob, makipagsa­palaran ka na magawa at matupad mo ang iyong mga ambis­yon dahil makaaasa ka na ikaw ay magtatagumpay dahil ito mismo ang lihim na nakakapit sa iyong panaginip.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page