top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

70-anyos, hiniritan ng P143-K kapalit ng prangkisa ng taxi | BEBOT, TIKLO SA PANGINGIKIL

  • Maeng Santos
  • Jun 3, 2019
  • 1 min read

TIMBOG sa entrapment operation ang babaeng nangikil umano sa 70-anyos na lolo kapalit ng pangakong pagproseso sa prangkisa ng kanyang taxi sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Angelina Bulanadi, 44, ng North Bay Boulevard North.

Ayon kay Artemio Agtarap, nagpakilala ang suspek na liason officer ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at hiningan siya nito ng P143,000 kapalit ng paglalabas ng prangkisa ng kanyang taxi na pinaniwalaan naman nito dahil may iniisyu sa kanya na mga resibo ng ahensiya.

Gayunman, natuklasan ng biktima na peke ang mga dokumentong ipinrisinta sa kanya at nakiusap umano siya sa suspek na ibalik na lang ang kanyang pera.

Sa halip na ibalik, nanghingi pa umano ang suspek ng karagdagang P8,000 bilang panghuling bayad dahil tiyak na umanong lalabas ang prangkisa ng kanyang taxi.

Humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa harap mismo ng Navotas City Hall, alas-10:40 ng umaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page