top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tolentino at Marcos, joint forces para mabalasa ang Senado, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2019
2 min read

YUMAO na ang komedyanteng si Gary Lising.

Hindi ito nakakatawa.

◘◘◘

NAG-PARTNER sina Sen. Francis Tolentino at Sen. Imee Marcos para mabalasa ang Senado.

Ito ay aktuwal na sugal!

◘◘◘

TALIWAS sa inilalabas na makatutulong si Tito Sen. sa agenda ni P-Digong, hindi ito totoo.

Mas bibilis ang agenda ng Malacañang kapag nawala kay Tito Sen. ang liderato ng Senado!

◘◘◘

ISANG batikang komedyante si Tito Sotto.

At isa rin siyang pulitikong madyikero!

◘◘◘

WALA sa kuwalipikasyon ni Tito Sen. ang pagiging mahusay na pulitiko.

Hindi “stateman” si Tito Sen. kundi siya ay political “stuntman”.

Nakopo ni Tito Sotto ang pagiging Senate President, hindi dahil sa husay sa paggawa ng batas kundi sa simpleng “maniobra” at “dabarkads syndrome”!

◘◘◘

NAI-CONNECT ni Tito Sen. ang kanyang sarili sa iba’t ibang barkadahan, grupuhan o katsikahan at presto, Senate President na siya.

Sa pormal na termino, ang tawag ng mga pulpol na political analyst ay “diplomasya”.

Pero, ang aktuwal dito ay “pambo­bola”!

◘◘◘

SA ngayon, ayaw magpabola kay Tito Sotto ang mga baguhang senador.

Siyempre, gusto nila ay mga totoo at seryo­song lider na makatutuwang ni P-Digong!

◘◘◘

Hindi serious leader si Tito Sen., wala siyang disposisyon at wala siyang agenda.

Wala siyang “marka”, maliban sa iisang mithiin, ang manatili bilang Senate President at makatsamba sa 2022 Presidential Elections!

◘◘◘

KUNG saan makikinabang o mabibi­yayaan ng”convenience”, roon si Tito Sen.

Paano siya makatutulong kay P-Digong kung ang kanyang prayori­dad ay manatili lamang bilang Senate President!

◘◘◘

KUNG seryoso si TitoSen. na tulungan o asistehan si P-Digong, dapat magkusa siyang bitawan ang Speakership at ipaubaya ito sa tunay na maka-Digong.

D’yan lilitaw ang tunay na “mukha” ni Tito Sotto!

◘◘◘

Mabibisto na si Tito Sen. ay nagpapa­gamit at gagamitin ng mga anti-Digong.

Ito ay upang makaamot ang oposisyon ng kahit katiting na poder o “kapangyarihan” mula sa Malacañang!

◘◘◘

KAPAG nanatili si Tito Sotto bilang Senate President, mananariwa ang enerhiya ng mga “anti-Digong”.

Siyempre, makabubuwelo sila upang magamit ang Senado bilang “launching pad” sa mga isyung maaaring makasira sa Malacañang!

◘◘◘

KUNG paano mababalasa ang Senado ay malaking palaisipan.

Bistado ang mga nag-aambisyon sa 2022 Presidential Elections.

‘Yan ang tunay na “isyu” sa Senate presidency!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page