Tanod na karnaper, tiklo
- Levi Gonzales
- Jun 2, 2019
- 1 min read
ARESTADO ang tinaguriang most wanted ng Calabarzon makaraang salakayin ang kanyang kinaroroonan sa Barangay 2, Nasugbu, Batangas.
Batay sa imbestigasyon, alas-8:25 ng umaga nang matunton ng mga awtoridad ang pinagtataguan ng akusadong si Crisanto Meneses, 39, chief tanod ng Barangay Catandaan.
Sa bisa ito ng warrant of arrest na ipinalabas kaugnay sa kasong carnapping at highway robbery.
Kaugnay nito, wala namang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang kalayaan.





Comments