top of page
Pokwang.jpg

Service firearm at motorsiklo tinangay | PULIS NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM, TODAS

Maeng Santos
Jun 2, 2019
1 min read

DEDBOL ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si P/Cpl. Alex Sta. Ana Vitug, Jr., 33, nakatalaga sa Mobile Patrol Unit ng Navotas Police Station at residente ng Caloocan City.

Ipinag-utos na ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang follow-up operation para sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Kabilang sa mga anggulong sinisilip ay personal na alitan o may kinalaman sa trabaho ng biktima.

Ayon kay P/Cpl. Michael Oben, alas-7:20 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungo sa kanyang duty sa Navotas Police Station nang tambangan at pagbabarilin sa katawan ng riding-in-tandem sa corner ng Araneta Avenue at Tuazon St., Bgy. Potrero.

Matapos nito, kinuha ng gunman ang service firearm at motorsiklo ng biktima bago nagsitakas.

Narekober ng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang dalawang basyo ng bala, walong deformed cartridge, deformed fired bullet at isang fragment mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page